Hinimok na rin ang dalawang komite sa Kamara de Representantes na magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng pang-aabuso ng ilang mga guro at staff laban sa ilang mga estudyante sa Philippine High School for the Arts.
Ito ay matapos na maghain ng resolusyon ang tatlong miyembro ng Makabayan bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso na humihiling sa House panels on the welfare of children and on women and gender equality para magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng sexual, verbal at emotional abuse sa mga kabataang artist sa naturang premier high school sa bansa.
Ang naturag alegasyon ay nagbunsod ng seryosong reflections sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act na nagbabawal sa gender-based sexual harassment sa public spaces, educational o training institutions workplace at online.
Una ng bumuo ng isang special team ang NBI matapos na hilingin ni VP at Education Sceretary Sara Duterte ang pagiimbestiga sa naturang alegasyon laban sa PHSA teachers at staff.
Maging ang DepEd mismo ay nagsasagawa na rin ng kanilang sariling imbestigasyon sa existing school policies at pagpapalakas ng kanilang internal mechanisms para matiyak ang seguridad ng mga estidyante sa loob ng mga institusyon.