-- Advertisements --

Napatay ng mga sundalong Amerikano ang dalawang armadong indibidwal sa Hamid Karzai International Aiport sa Afghanistan.

Sinabi ni Pentagon press secretary John Kirby na gumanti lamang ang mga sundalo dahil sa tangkang pamamaril sa mga ito.

Nilinaw nito na walang anumang banta ang nasabing naganap na pagpatay sa dalawang indibidwal.

Wala rin aniya silang impormasyon na miyembro ng Taliban ang dalawang napatay sa suspek.

Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing paliparan matapos na maraming Afghan ang nais na lumikas sa kanilang bansa dahil sa pananakop ng Taliban sa malaking bahagi ng nasabing bansa.