CENTRAL MINDANAO-Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang dalawang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)na nahuli ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Mohar Talimbo,34 anyos, regular employee ng LGU M’lang bilang CSU o sekyu ng M’lang District Hospital at ang kanyang ama na si Jimmy Talimbo,62 anyos,magsasaka at mga residente ng Purok 7 Barangay Dungguan M’lang Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cotabato Provincial office, PNP SAF 4th SAB, Cotabato Police Provincial Office, RSOG 12 at RID 12 ang tahanan ng mga suspek base sa search warrant na inisyu ng korte.
Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang pitong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 81,600.00 pesos,isang M16 Armalite rifle,isang Bushmaster rifle,mga sangkap sa paggawa ng bomba,mga bala at mga magasin.
Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa costudial facility ng Cotabato Police Provincial Office