Patay ang dalawang staff ng Israel embassy ng US matapos na sila ay pagbabarilin.
Ang mga biktimang nakilalang sina Sarah Lynn Milgrim at Yaron Lischinsky ay papalabas na sa isang kaganapan sa Capital Jewish Museum sa Washington DC ng sila ay pagbabarilin.
Naaresto naman ang suspek na si Elias Rodriguez , 30-anyos mula sa Chicago matapos ang insidente.
Sumigaw pa umano ang suspek ng “free Palestine” matapos ang insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung ang insidente ay may kaugnayan sa terorismo.
Ikinalungkot naman ni US President Donald Trump ang pangyayari kung saan malinaw aniya na ang insidente ay base sa antisemitism.
Dahil sa insidente ay ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagdagdag ng seguridad sa lahat ng mga embahada at konsulada ng Israel.