Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang undocumented aliens na sangkot sa fraud at economic crimes sa Korea at China.
Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Bobby Raquepo ang mga suspek ay sina Kim Dae Yeop, 57, Korean at Chinese national na si Jiang Rongqun, 32 na naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Malate at Binondo sa Maynila.
Si Kim ay wanted dahil umano sa pag-lobby sa expense payment ng closed circuit television na nagkakahalaga ng 250 million Korean Won o katumbas ng P10,935,192.58 habang si Jiang ay wanted sa China dahil sa fraud at economic crimes.
Sa ngayon nakaditine na sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawa habang hinihintay ang mga dokumento para sa kanilang deportation.
Samantala, labis namang ikinadismaya ni BI Commissioner Jaime Morente ang paggamit ng mga foreign nationals sa bansa bilang hideout.
Gayunman nagbabala si Morente sa mga banyaga na may kaso sa kanilang bansa na balak tumakas at magtatago dito sa Pilipinas dahil nakikipag-ugnayan daw ang Immigration sa kanilang foreign counterparts para mahuli ang mga ito.