KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng South Cotabato-Philippine National Police sa naitalang pag-suicide ng dalawang estudyante ng South East Asian Institute of Technology o SEAIT.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Tupi South Cotabato Chief of Police Major Andrei Sumugat, kinilala ang isa sa mga nagpatiwakal na si alyas Diane, 18-anyos, na natagpuang nakatali ang leeg gamit ang nylon rope sa loob ng comfort room ng kaniyang boarding house sa Prk. 2, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.
Nag-iwan pa ito ng suicide note na humihingi ng patawad sa kaniyang mga magulang dahil hindi na raw nito matutupad ang pangarap ng mga ito para sa kaniya.
Ang isa pang nagpatiwakal din ay ang second year college student na si alyas Ron-Ron.
Ayon sa kaniyang pinsan na si Barangay San Isidro, Sto Niño, South Cotabato Sangguniang Kabataan Chairman Harnel Palomo, natagpuan na lamang na wala ng buhay si alyas Ron-Ron matapos magbigti gamit ang kadena at lubid.
Sa ngayon wala pang ideya ang mga kaanak nito kung ano talaga ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.