-- Advertisements --

Nasa dalawang banyaga ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) officers sa international airports sa Manila at Cebu ng dalawang puganteng banyaga dahil sa pagiging undesirable aliens.

Sa isang statement, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tangsingco na ang dalawang foreign passengers ang naharang lamang noong Enero 2 at 3 nang dumating ang mga ito sa pamamagitan ng flights sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi na isinama ang mga ito sa unang flight patungo sa kanilang port of origin at inilagay na ang mga ito sa immigration blacklist at pinagbawalan nang makapasok sa bansa.

Ang naharang naman sa Mactan-Cebu International Airport noong Enero 3 ay ang German national na si Reiner Reinhold Heber, 63.

Ang suspek ay sinasabing recidivist at violent offender na nasintensiyahan ng siyam na taong pagkakakulong.

Agad itong pinaalis matapos dumating lulan ng China Airlines flight mula Taipei.

Una daw dito ay naalerto na ang ang mga immigration officers kaugnay ng kanyang biyahe.

Noong Enero 2, ang Chinese woman namang si Chen Qiaolin, 30 ang hindi pinayagang makapasok sa bansa pagkapalag sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Philippine Airlines flight mula Kuala Lumpur.

Ang pangalan daw ni Chen ay napaulat na naka-register sa Interpol database kaya naman hindi na ito pinanasok ng sa bansa at agad pinabalik sa Malaysia.

Base naman sa impormasyon mula sa Interpol national central bureau (NCB) dito sa Manila, lumalabas na si Chen ay wanted sa China dahil sa human trafficking.

Ayon sa public security bureau ng Feixi country sa Anhui province, China, si Chen ay na-engage sa telecommunications fraud at illegal online gambling activities.

Humaharap din dahil sa pamemeke ng travel documents ng mga trafficking victims na iligal na nakapasok sa Malaysia, Cambodia at iba pang bansa.

Sinabi ni Tansingco na naniniwala silang ang suspek ay posibleng bahagi ng illegal human trafficking syndicate na iligal na nagpapadala ng mga Chinese workers sa iba pang Asian countries.

Kaya naman ang pananatili nito sa bansa ay isang banta sa mga Pinoy.