-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakda nang isagawa ang bidding para sa dalawang flyovers na itatayo sa Iloilo.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi nito na ang dalawang flyovers ay itatayo sa intersection ng Sen. Benigno Aquino Jr., Avenue at Pres. Corazon Aquino Avenue sa Ungka Pavia, Iloilo at sa Aganan Pavia, Iloilo.

Ayon kay Drilon, uumpisahan na ang bidding para sa nasabing mga proyekto na nagkakahalaga ng P750 million sa Oktubre.

Sisimulan naman ang pagpapatayo sa Nobyembre.

Ayon kay Drilon, magiging sagot ito sa problema sa trapiko sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.

Napag-alaman na may dalawa nang flyovers na naitayo sa Infante, Molo, Iloilo City at sa Gen. Luna Street, Iloilo City Proper.