Inilunsad sa kalawakan ang dalawang cube satellite na parehong gawang Pinoy ayon sa Philippine Space Agency.
Ito ay ang Maya-5 at Maya-6 na ikalawang batch ng mga cube satellite na gawa ng Philippine university at inilunsad sa Intrnational Space Station.
Ang mga ito ay isinakay sa SpaceX Falcon 9 na bahagi ng 28th commercial resupply mission ng SpaceX.
Ayon sa Philippine Space Agency, ang Maya-5 at Maya-6 CubeSats ay magbibigay-daan para sa bansa na makakuha ng space technology information at mga hands-on na experience sa pagbuo ng satellite development.
May bigat ang bawat isa nito ng 1.15 kilos at inaasahang gagalaw sa orbit sa taas na humigit-kumulang 400 kilometro kapag nailabas na sa kalawakan.
Ang Maya-5 at Maya-6 ay ginawa sa ilalim ng Space Science and Technology Proliferation through University Partnerships (STeP-UP) project ng STAMINA4Space Program, na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST) at ipinapatupad ng University of the Philippines Diliman(UPD) at ng DOST Advanced Science and Technology Institute.
Matatandaan na noong Agosto 2021, unang nakapagdevelop ang Pilipinas ng kauna-unahang CubeSats nito na tinawag na Maya-3 at Maya-4, na inilunsad din sa International Space Station. Natapos ang misyon nito noong Agosto 2022.