Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawa pang bagong justices ng Court of Appelas at isang mahistrado sa Court of Tax Appeals.
Itinalaga sina Regional Trial Court Judges Selma Palacio Alaras at Wilhelmina Jorge-Wagan sa Court of Appeals na humalinhin sa binakanteng posisyon nila dating CA Associate Justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello.
Itinalaga din si Supreme Court Fiscal Management and Budge Office chief Corazon Ferrer-Flores bilang bagong associate justice ng Court of Tax Appeals.
Siya ang papalit sa nabakanteng posisyon ni dating Court of Tax Appeals magistrate Juanito Castañeda.
Nanumpa ang tatlong bagong appointees kay Chief Justice Alexander Gesmundo. May petsang oktubre 11 ang kanilang appointment paper.
Ang tatlong opisyal ang unang appointees ng Pangulo sa judiciary.
-- Advertisements --