LAOAG CITY – Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang probinsiya ng Ilocos Norte.
Ito ay base sa inalbas na Public Advisory No. 118 ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC) sa siyudad ng Batac.
Sa naturang advisory ay naipaalam na dalawang pasyente ang nagpoitibo sa covid ang na-admit at naka-isolate sa nasabing ospital.
Ang mga ito ay pawang asymptomatic, nasa stable na kondisyon at parehas na nanggaling sa National Capital Region (NCR).
Samantala, may anim na pasyente at isang hospital staff na nakasalumuha ng mga bagong kaso ang naka-isolate sa nasabing ospital at hinhintay ang resulta ng kanilang swab test.
Kaugnay nito, ipinaalam pa ng ospital na ang dalawang suspect case na na-admit noong Hulyo 2 ay negatibo sa covid.