-- Advertisements --

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa dalawang lalaki nahulihan ng pinaghihinalaang shabu habang nagsusugal sa Makati City.

Kinilala ang mga naarestong sina Rolando Yana, 24-anyos, na dati ng may kasong theft; at Rovie Aglibut, 36-anyos.

Batay sa ulat ng Makati City Police Station 3, nagpa-patrolya ang kanilang hanay sa bahagi ng Brgy. Pio Del Pilar nang maaktuhang nagka-cara cruz ang dalawa kasama ang dalawang menor de edad.

Bukod sa perang nakumpiska, nakuhanan din ng P300 halaga ng suspected shabu ang mga ito nang kapkapan.

Nakatakda ng iturn-over sa DSWD ang menor de edad na naaresto, habang tinutugis pa ang kasama nitong nakatakas.