CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawang wanted person nang manlaban sa mga pulis at militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga nasawi na sina Norodin Guimad,lider ng Armed Lawless Group (ALG) ang kanyang kasama na si Puti Sumanday.
Ayon kay Matanog Chief of Police Lieutenant Junior Abas na ni-raid nila ang kuta ng mga suspek sa Barangay Bugasan Sur Matanog Maguindanao katuwang ang tropa ng 37th Infantry Battalion at Marine Battalion Landing Team (MBLT-5).
Papasok palang ang raiding team sa kanilang target ay pinaputukan na ito ng mga suspek.
Gumanti ng putok ang mga otoridad kaya nasawi sina Guimad at Sumanday.
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang isang M16 Armalite rifle,isang kalibre.45 na pistola,mga bala,bandolier at mga magasin.
Ang dalawa ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong murder at frustrated murder.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga kasamahan ng mga nasawi na nakatakas sa law enforcement operation.










