-- Advertisements --
DAVAO CITY – Humingi ng tulong ang dalawang agents ng Crowd royals Real estate services (CRRES) sa Sta. Ana police matapos na makatanggap ng banta mula sa kanilang mga investors.
Ayon kina Judy Ann Quimod at Stephen Lagang, kapwa residente ng Del Pilar Extension Agdao nitong lungsod, pinagbabantaan na sila ng kanilang mga investors matapos na hindi nakapag-pay out.
Samantala, kahit napaslang ang CEO ng CRRES na si Armando Oppus sa Cebu, umaasa pa rin ang mga investors ng kompanya na mahuli ang dalawa pang suspek na sina Edmond Quiñones at Judy Ann Delatina-Estrella na sinasabing tumangay rin ng ilang milyong investments.