-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng Davao City Police Office (DCPO) ang pagkamatay ng isang lalaki dahil sa hazing.

Sa inilabas na impormasyon ni Police Maj. Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng DCPO, isang lalaki ang patay sa nangyaring hazing sa Brgy. Mandug sa lungsod ng Dabaw, alas dos ng hapon kahapon.

Kinumpirma ni Gaspan na ang biktima ay isang 19-anyos na college student.

Samantala, kasama rin sa hazing ang isang 18-anyos na lalaki na maswerteng nakaligtas.

Agad namang inaresto ang lahat ng sangkot at kasalukuyang nasa kustodiya ng Mandug Police Station at isinailalim na sa inquest procedure ngayong araw.