-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Asahan na umano ang rigodon sa ilang posisyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Regional Office 5 kasabay ng pagpasok ng Fire Prevention Month sa Marso.
Mangyayari ang turn-over of command sa Marso 2 dakong alas-3:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Legazpi City Fire Station.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay F/Insp. Aramis Balde, information officer ng BFP Bicol, region-wide umano ang sakop ng balasahan na nilalayong maituloy ang sinserong commitment sa komunidad.
Kabilang sa isasailalim sa rigodon ang 18 opisyal ng BFP.
Sa kaparehong araw, kabilang rin sa tatalakayin ang modernisasyon sa BFP at iba pang pangangailangan ng mga tauhan sa epektibong pagtupad ng mandato.