CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa labing walong mga matataas na uri ng armas ang isinuko ng mga opisyal ng Barangay sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na 18 loose firearms ang isinuko ng mga Barangay Officials sa bayan ng Midsayap Cotabato sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army at Midsayap Municipal Police Station.
Sinabi ni 34th IB Commander Lieutenant Colonel Edgardo Vilchez Jr at Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na 18 loose firearms ay nakolekta mula sa sampung Barangay sa bayan ng Midsayap.
Ginanap ang turn-over ceremony sa mga isinukong armas sa SB Session Hall sa bayan ng Midsayap na sinaksihan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ang mga baril na isinuko ay kinabibilangan ng isang (1) 5.56 Bushmaster, (1) 40mm grenade launcher, (1) caliber .30mm Garand rifle, two (2) caliber .50mm rifles, one (1) M79 grenade launcher, (2) M-14 rifles, (2) 7.62mm Sniper rifles, (1) caliber .30mm Sniper rifle,(1) 12 Shotgun, (1) caliber .38 revolver at limang (5) caliber .45 pistols kabilang na ang mga bala at magazine.
Samantala, pitong mga loose firearms rin ang isinuko sa militar at pulisya sa Kabacan Cotabato.
Todo pasasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy sa mga lokal na opisyal ng bayan ng Midsayap lalo na sa sampung Barangay na nagsuko ng 18 loose firearms.
Hinikayat ni MGen Uy ang lahat na suportahan ang kampanya ng gobyerno kontra loose firearms.










