Nasa 17 pang quarantine facilities ang nakatakdang bubuksan ngayong linggo para sa mga COVID-19 patients sang-ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni DPWH Build Build Build Committee chairperson Anna Mae Lamentillo, magiging available ang mga nasabing bagong quarantine facilities kung kakailanganin.
Ayon kay Lamentillo, balak pa ng DPWH na magtayo ng mas marami pang pasilidad, depende sa pangangailangan para maiwasang magkulang.
Sa ngayon umano, lahat ng mga lalawigan ay mayroong quarantine facilities kung saan pansamantalang mananatili ang mga COVID-19 patients habang nagpapagaling.
“By next week, mayroon tayong 17 new quarantine facilities. We plan to build more depending on the need. Ayaw lang po namin na magkaroon ng kakulangan,” ani Lamentillo.
















