-- Advertisements --
DAVAO CITY – Aabot sa 17 mga pamilya sa Purok 17, Barangay Poblacion, Mawab de Oro ang ni-rescue ng mga personahe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) dahil sa matinding pagbaha na nararanasan sa nasabing lugar kahapon.
Ayon sa PDRRMO Davao de Oro, nasa 72 mga indibiduwal ang lumikas matapos na umapaw ang mga ilog sa nasabing lungsod dahil sa matinding pag-ulan sa lalawigan simula pa noong huwebes.
Inaalam pa ngayon nga ahensiya ang damyos na idinulot ng matinding pag-ulan sa lugar lalo na sa agrikultura matapos na malubog ng tubig baha ang palayan ng mga magsasaka.
Una ng sinabi ng PAG-ASA Davao na naranasan na pag-ulan sa ilang bahagi ng Davao region at Mindanao ay dahil sa shear line.










