-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang dalawang lalakIng nagtangkang magpuslit ng 17 Marijuana bricks na nagkakahalaga ng mahigit P2.4 million.

Ayon sa Kalinga Police Provincial Office umabot sa Php2.4M halaga ng marijuana ang kanilang nasamsam mula sa mga pinaghihinalaan ang maharang ang mga ito sa Naneng, Tabuk City, Kalinga .

ang mga pinaghihinalaan ay sina Mark Yuzon, 21 anyos, residente ng Tondo, Maynila at Jess De Guzman, 47 anyos na residente naman ng Dimasalang, Maynila.

Batay sa report ng Tabuk City police Station, nakatanggap sila ng impormasiyon sa 2nd Kalinga Mobile Force Company may kaugnayan sa pag-iiigat ng mga pinaghihinalaan ng marijuana bricks.

Nakatanggap sila ng impormasyon na isang metallic Toyota Avanza umano ang dadaan sa kanilang checkpoint na may kargang 17 piraso ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos.

Ang mga pinaghihnalaan ay nasampahan na ng kaso at nakatakdang maipasakamay sa BJMP Kalinga para sa kaukulang disposisyon.