-- Advertisements --
Sugatan ang 17 katao matapos ang pagsabog ng mga iligal na paputok sa Los Angeles.
Nakatakda sanang sirain ng Los Angeles Police District (LAPD) ang nasa 5,000 pounds na illegal fireworks ng sumabog ito sa loob ng truck na kanilang pinaglagyan sa Southern LA.
Paliwanag ni LAPD chief Michel MOore na nagkaroon ng aberya ang pinaglagyan nila ng bomba.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang biktima kung saan nadamay din ang ilang mga kabahayan na malapit sa lugar ng pinangyarihan.
Nakuha ang nasabing mga paputok sa isang 27-anyos na lalaki sa kabahayan malapit sa lugar.










