LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan pa sa ngayon ng mga otoridad ang pagkamatay ng isang 17-anyos na lalaki matapos makuryente sa Brgy. Cabugao Bato, Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Lt. Fidel Romero Jr., Deputy Chief of Police ng Virac PNP, nagtatrabaho bilang laborer ang nasabing menor de edad sa isang establisyemento sa bayan.
Ayon kay Romero, nagtitiktik ng pader ang biktima ng hindi makita ang outlet na may nakausling gasgas na live wire ng kuryente at aksidente itong nahawakan.
Dahil dito, malala aniya ang pagkakakuryente ng biktima na dinala pa sana sa hospital subalit ideneklarang dead on arrival.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pamilya ng biktima sa pinagtatrabauhan nito para humingi ng asestensiya.
Idinulog naman ng pulisya ang naturang insidente sa women’s and protection desk ng Virac PNP para mapanagot ang establisyemento sa pagkuha ng menor de edad na empleyado.










