-- Advertisements --

Aabot sa 17 American Christian missionaries at kanilang pamilya, kabilang na ang mga bata, ang dinukot ng mga gang members sa capital ng Haiti na Port-au-Prince.

Ayon sa New York Times at CNN, nangyari ang kidnapping matapos na umalis ang mga missionaries sa isang orphanage sa Croix des Bouquets area.

Kabilang sa mga biktima ang 14 na adults at tatlong menor de edad.

Base sa report ng Times, sinabi ng mga local officials na isinakay sa isang bus ang mga missionaries papuntang airport para ubaba ang ilang miyembro ng grupo bago pumunta naman sa isa pang destinasyon sa Haiti.

Sa ngayon, batid na ng US State Department ang naturang mga reports pero hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye hinggil sa sitwasyon.

Magugunitang tumindi ang gang violence sa Haiti matapos na mapaslang si President Jovenel Moise noong Hulyo at nasundan pa ng malakas na lindol noong Agosto na kumitil naman sa buhay ng 2,000 katao. (Reuters)