-- Advertisements --
image 53

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang pilipinas ng umaabot sa 16,017 na dagdag ng COVID-19 cases sa nakalipas lamang na linggo.

ayon sa Department of Health mula Sept. 26 hanggang Oct. 2, ang a-average na 2,288 daily infections ay nai-record sa bansa.
ito ay mas mababa sa 10 percent lower kumpara sa nakaraang linggo.
Nasa ikaanim na linggo na ngayon na ang lingguhang bilang na tinatamaan ng COVID-19 ay 19-anyos pababa.

samantala noong nakalipas din na linggo ang DOH ay nakapagberipika ng nasa 228 mga nasawi na pasyente na noon lamang nakumpirma ang impormasyon.
sa nakalipas daw na walong linggo, ito ang pinakamababa na bilang na mga naitala na nasawi dahil sa deadly virus.