Todo na ngayon ang ensayo ng 160-athlete delegation na ipapadala ng Philippine Olympic Committee (POC) na sasabak sa sixth Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Thailand.
Ayon kay POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang mga atleta ay maglalaro ng 21 sa 31 sports mula Marso 10 hanggang 20 sa susunod na taon sa Bangkok sa Chonburi.
Siniguro naman ni Tolentino na ang mga napiling members at malaki ang potential para makapagbulsa ng medalya.
“We have put together a delegation whose members are all potential for the medals. The objective is to ride the momentum of the Tokyo Olympics success and surpass our two gold medals won in the last AIMAG in Turkmenistan in 2017,” ani Tolentino.
Umaasa itong magtutuloy-tuloy ang momentum ng mga atleta kasunod ng pagbulsa ng mga atletang Pinoy ng medalya sa Tokyo Olympics.
Target ng bansa na malagpasan ang dalawang gold medal sa AIMAG sa Turkmenistan noong taong 2017.