-- Advertisements --
Patay ang 16 na katao matapos ang naganap na landslide sa Ecuador.
Nagbunsod ang nasabing landslide dahil sa ilang araw na pag-ulan.
Aabot sa 163 kabahayan ang nasira rin sa lungsod ng Alausi.
Itinakbo naman sa pagamutan ang 16 na katao habang mayroong pitong iba pa ang naitalang nawawala.
Nagdeklara na rin si President Guillermo Lasso ng state of emergency sa 14 na probinsiya na naapektuhan ng masamang panahon.