-- Advertisements --

Pinahiya ng 16-anyos na tennis player na si Mira Andreeva si dating world number 1 Ons Jabeur sa ikalawang round ng Australian Open.

Nakuha ng Russian tennis player ang 6-0, 6-2 na panalo sa Rod Laver court.

Dahil sa panalo ay pasok na ito sa unang pagkakataon sa ikatlong round ng nasabing torneo.

Sinabi nito labis itong masaya dahil sa nakaharap niya si Ons kung saan ito ang kaniyang pangarap mula ng magsimula ito ng maglaro ng tennis.

Itinuturing niya na ang panalo na mahalaga sa kaniyang buong career.

Susunod na makakaharap nito sa susunod na round si Diane Parry ng France.