-- Advertisements --

Patay ang 16-anyos na binatilyo at sugatan ang 14 na iba pa sa naganap na magkasunod na bomb attacks sa isang bus stops sa Jerusalem.

Naganap ang pagsabog sa mataong lugar ng lungsod.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Aryeh Shtsupak na siang Israeli-Canadian religious student.

Itinuturing ni Israel internal security minister na kakaiba ang nasabing atake at ngayon lamang sila nakakita ng ganitong insidente.

Wala pang grupong umako sa nasabing insidente at patuloy na inaalam na kinikilala ng mga otoridad sa Israel ang pagkakakilanlan ng mga suspek.