-- Advertisements --

NAGA CITY – Aabot sa 15 katao ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa national highway ng Barangay Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na binabaybay ng jeep na minamaneho ng nagngangalang Nolito Azur mula sa Nabua at patungo sana sa Balatan nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Nagtuloy-tuloy ang sasakyan hanggang sa tumagilid, dahilan para magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasa 14 na pasahero kasama ang driver.

Kaagad namang isinugod sa iba’t ibang ospital ang mga biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa aksidente.