-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Sumuko ang 15 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat.
Ayon kay PNP Soccsksargen regional director B/Gen. Eliseo Tam Rasco, pawang mga miyembro ng Platoon Cherry Mobile ng Guerilla Front 73 ang lumapit sa provincial capitol para sumuko.
Kasabay ng pagsuko ay itinurn-over din ng mga rebelde ang ilang armas gaya ng M-16 armalite rifle, grand rifle, dalawang M-14, home made rifle, 12-gauge shotgun, dalawang calibre-.45 na baril at submachine gun.
Bukod dito may dalawang M-79 grenade launchers din at mga bala.
Batay sa intelligence ng pulisya, nago-operate ang naturang grupo sa bukiring bahagi ng mga bayan ng Kalamansing, Lebak, Palimbang at Sen. Ninoy Aquino.