
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 15 pang kaso ng fireworks-related injuries sa iba’t ibang parte ng bansa ilang araw bago ang selebrasyon ng bagong taon.
Base sa fireworks-related injury surveillance report ng ahensiya, naitala ang mga bagong kaso ng nasugatan may kinalaman sa fireworks mula sa mga sentinel hospitals na inireport dakong alas-6 ng umaga ng Disyembre 25 hanggnag alas-5:59 ng umaga ngayong araw Disyembre 26 dahilan para umakyat pa sa kabuuang 20.
Ang 20 fireworks-related injuries na naitala ay kapareho lamang ng mga kaso na naitala noong 2021.
Sa nasabing mga kaso, 3 dito ay mula sa Central Visayas at Soccssargen.
Nakapagtala naman ng tig-2 kaso sa Ilocos Region, Bicol Region, Western Visayas, Davao Region, at National Capital Region (NCR).
Mayroon namang tig-isang kaso ng fireworks related injury sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nasa 11 katao ang nagtamo ng injury sa mata, anim sa kamay , 2 sa kanilang braso habang ang isa naman ay sa kanilang likuran.
Ayon sa DOH, karamihan o 95% ng mga biktima ay kalalakihan edad isa hnaggang 64 taong gulang.
Kabilang sa mga fireworks na dahilan ng naitalang injuries ay boga, kwitis, whistle bomb, 5-star, judas belt, missile, at pop-up.
Wala namang naitala ang DOH na insidente ng firework ingestions o natamaan ng ligaw na bala.