-- Advertisements --
Nasa 14 na katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa Albania.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS) na may lalim ng hanggang 20 kilometers ang lindol at ang epicenter nito ay ang Durres City na may layong 20 mls ng capital na Tirana.
Umaabot naman sa 325 katao ang nasugatan sa nabanggit na lindol.
Tumulong na rin ang bansang Italy at Greece sa recovery operations.