-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa labing apat na miyembro ng New Peoples Army ang sumuko sa kay Cabanglasan Municipal Mayor Reynante Inocando sa Bukidnon.

Ayon kay 1st Lt. Kenneth Cabbigat, civil military officer ng 8IB, mismo ang alkalde ng Cabangalasan ang tumungo sa kanilang kampo upang iturnover ang mga nagpakilalang rebel returnees.

Bitbit ng mga rebelde ang matataas na kalibreng armas at isang granada.

Sa ngayon, isinailalim na ang mga dating rebelde bilang benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive and Local Integration Program kon E-CLIP ng Administrasyong Duterte.