Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang matagumpay na pagkaka sagip ng mga residente ng Sitio Kalangian, Barangay Harrison sa Paluan, Occidental Mindoro sa labing apat na trepolante ng sumadsad na cargo vessel sa naturang lugar.
Sinasabing naglalaman ang cargo vessel ng 28,020 bags ng semento.
Batay sa imbestigasyon, ang 𝐌𝐕 𝐉𝐎𝐄𝐆𝐈𝐄 𝟓 cargo vessel ay pagmamay ari ng isang shipping company sa Quezon City.
Habang naglalayag umano ito sa katubigan ng Sitio Calangigan, Brgy Harrison, Paluan, Occidental patungo sa ablayan, Occidental Mindoro mula sa Bauan, Batangas ng nakaranas sila ng malakas na hampas ng alon at malakas na hangin dahilan upang sumadsad ito sa naturang lugar.
Bandang alas 4 ng umaga ng magawa nilang maalis ang cargo vessel mula sa pagkaka sasad ngunit napansin nila na patuloy na ang pagpasok ng tubig dagat sa kanilang vessel.
Upang maiwasang lumubog ang naturang sasakyang pandagat ay nagdesisyon ang kapitan nito na ibalik sa posisyon ng pagkakasadsad.
Dumating naman sa lugar ang kinatawan ng shipping company upang ipaliwanag ang intensyon ng kanilang cargo vessel.
Kaagad namang sisipsipin ang diesel sa fuel tank nito upang maiwasan ang oil spill sa lugar.