-- Advertisements --

Naantala ang14 na proyekto ng Department of Transportation na nagkakahalaga ng P1.61 trillion noong nakalipas na taon dahilan para bayaran ng gobyerno ang P128.42 million additional fees sa mga lenders na pinagkunan ng pinansyal para sa naturang mga proyekto.

Sa pagsiyasat ng Commission on audit (COA) sa status ng mga proyekto sa katapusan ng 2021, nadiskubre ang parehong problema sa pagkaantala ng implementasyon ng mga proyekto katulad ng isyu sa procurement at financial at technical concerns at dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa 2021 report sa DOTr, inihayag ng state auditors na ito ay nagresulta sa matagal na implementasyon ng mga proyekto at pagbabago sa project cost at scope at nagbunga ng restructure sa ilang proyekto.

Kabilang sa 14 foreign-assisted projects na naantala ay ang maritime safety enhancement (P6.25 billion), Edsa greenways (P8.79 billion), Cebu bus rapid transit – P16.31 billion, Light Rail Transit (LRT) Line 1 south extension – P64.92 billion, LRT Line 2 east extension – P9.51 billion, second phase of maritime safety capability improvement – P8.02 billion, Metro Manila bus rapid transit – P5.46 billion, Metro Manila subway – P488.48 billion, Metro Rail Transit (MRT) 3 rehabilitation – P21.97 billion, new Bohol airport – P8.91 billion, Cebu international container port – P9.19 billion, air traffic management system – P10.87 billion, north-south commuter railway system – P777.55 billion at ang Philippine National Railways Bicol project – P175.32 billion.

Sa mga proyektong ito, apat lamang ang nakumpleto sa katapusan ng 2021 kabilang ang Bohol airport, air traffic management systems, first phase ng maritime safety program, at ang LRT Line 2 east extension.