-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa surgical lockdown ang 14 na mga barangay sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City government, sinabi nito na sa nasabing bilang, pito ang ni-lockdown sa distrito ng Jaro, dalawa sa La Paz, dalawa sa Mandurriao, at tig-iisang barangay sa Molo, Lapuz at Arevalo.

Ayon kay Conlu, posibleng tumagal pa ng isang linggo ang surgical lockdown kapag patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases sa nasabing nga lugar.

Tiniyak naman ng Iloilo City government na mabibigyan ng sapat na tulong ang mga apektado ng lockdown.