-- Advertisements --

Nasa 14 na katao ang nasawi matapos ang pagtama ng bagyo sa Greece, Turkey at Bulgaria.

Nagbunsod ang nasabing bagyo ng mahigit 24 na oras na walang tigil na pag-ulan.

Maraming mga kabahayan ang nalubog sa baha at ilang lupain ang gumuho.

Ang bagyong “Daniel” ay nagdala na ng mga malalakas na pag-ulan mula pa noong araw ng Lunes.

Nagpatupad na rin ng paglilikas ang ilang residente na naapektuhan ng nasabing bagyo sa tatlong bansa.