-- Advertisements --
Isinampa na ang kasong illegal gambling laban sa 14 na kalalakihang Chinese na inaresto sa Angeles City dahil sa paglalaro ng poker.
Sinabi ni Police Col. Norberto Delmas, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa Region 3 (CIDG-3) na nagbunsod ang pagkaaresto sa mga suspek mula sa sumbong ng ilang mamamayan.
Inireklamo kasi ng ilang residente ang maingay na paglalaro ng mga suspek sa ikalawang palapag ng convenience store building sa kahabaan ng Friendship Highway sa Barangay Pampang.
Kinilala ang mga naarestong suspeks na sina Harry Zhang, Frank Wang, Harry Wung, David Wang, Abu Deng, Abu Yang Jin, James Zhang, Zhou Bin, Yang Bing, Zho Ya, Lan Mi, Lao Hai Ping, Jacky Lau, at Henry Yuan.









