-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dumami pa ang sumuko na mga rebelde sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang sumuko sa 90th Infantry Battalion Philippine Army sa Pagalungan Maguindanao ang tatlong mandirigma na mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) at dalawa pa ay mga myembro ng Dawlah Islamiyah Hassan Group.

Sinundan ito ng pagsuko ng sampung BIFF na mga tauhan ni Kumander Bungos sa tropa ng 1st Mechanized Battalion Philippine Army sa Ampatuan Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy na matagumpay ang pagsuko ng mga rebelde dahil sa tulong ng mga lokal na opisyal sa Maguindanao,pulisya at ibang sektor.

Dala ng mga rebeldeng sumuko ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,magasin at pampasabog.

Nabigyan rin ng paunang tulong ang mga sumuko mula sa LGU-Pagalungan at Ampatuan Maguindanao.

Ang pagsuko ng mga rebelde ay bahagi ng balik-loob program ng pamahalaan.

Hinikayat ni MGen Uy ang ibang pangkat ng BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.