-- Advertisements --
PNP CIDG 1

Sibak na sa pwesto ang nasa 13 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa National Capital Region matapos na masangkot ang mga ito sa isyu ng katiwalian.

Ayon kay PNP-CIDG Director PBGEN Romeo Caramat, inalis sa pwesto ang mga ito matapos madawit sa “hulidap” nang arestuhin nila sa isang kwestiyonableng raid sa Parañaque nitong March 13, 2023 ang ilang mga Chinese nationals na naglalaro ng majhong.

Aniya, kabilang sa mga sinibak sa pwesto ay sampung Non Commissioned Officers at tatlong Police Commissioned Officers kabilang na ang mismong hepe ng CIDG-NCR na si PCol Hansel Marantan.

Paliwanag ni Caramat, inalis ang mga ito matapos na magsumbong mismo ang mga biktima kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia dahil anila ng mga pulis na ito ang ilan sa kanilang mga mamahaling relo, bag, alahas, at tatlong milyong piso mula sa vault ng mga biktima.

Bukod dito ay nangikil din umano ng 10 milyong piso ang mga ito sa mga biktimang Chinese nationals kapalit ng kanilang kalayaan.

Samantalam paglilinaw naman ni PNP spokesperson PCol Jean Fajardo, mismong ang hepe ng CIDG-NCR na si PCol Marantan aniya ang humiling kay PNP-CIDG director Caramat na sibakin din siya sa puwesto.

Aniya, layunin ng nasabing hakbang na bigyang daan ang isasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.