-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Wala ng plano ang pamilya ng 13-anyos na batang lalaki na ipa-otopsiya pa ang bangkay nito matapos matagpuang wala ng buhay nang ito’y magbigti umano sa likurang bahagi sa bahay ng kanilang kapitbahay sa Purok 7, Brgy. Limaha gamit ang belt bag.

Una nang inihayag ni Kapitan John Benjamin Rosales ng Brgy. Limaha na base sa kanyang pagsusuri, posibleng ikinalungkot ng bata ang hindi pagpayag ng kanyang ina na dalawin nito ang nakahiwalay ng ama na kalalaya lang bilang pagsunod na rin sa mga health protocols.

Dagdag pa ni Kapitan Rosales, kahapon pa nila pinaghahanap ang biktima at kaninang madaling araw aito natagpuan ng kanilang kapitbahay.

Nais pa sana ni Kapitan Rosales na ipa-otopsiya ang bangkay ng biktima dahil may mga sugat umano ito ay bumubula pa ang bibig nang ito’y matagpuan ngunit umayaw na ang ina at step-father nito dahil sa kagustuhang kaagad itong mailibing.

Dahil dito’y pinabubusisi na lamang ng kapitan ang CCTV malapit sa pinangyarihan upang malaman kung sino ang huli nitong nakasama bago mamatay.