-- Advertisements --
Aabot sa 12,159 ang panibagong COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng infections mula sa naturang sakit sa 2,666,562, hindi pa kasama ang datos mula sa dalawang laboratoryo.
Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa bagong COVID-19 cases na ito, umakyat na sa 90,927 ang total active cases, kung swaan 71.2 percent ang mild, 16.2 percent ang asymptomatic, 3.4 percent ang severe, at 1.4 percent ang nasa critical condition.
Samantala, ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay umakyat na sa 2,536,011 makalipas na 27,727 pang pasyente ang gumaling sa respiratory disease na ito.
Ang death toll ay pumalo na rin sa 39,624 makalipas na 119 pa ang binawian ng buhay.