-- Advertisements --
ofw

Inalalayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang 120 repatriated Overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Macau, Special Administrative Region (SAR) sa China.

Ang mga ito ay dumating sa bansa nitong Biyernes, matapos iproseso ng gobyerno.

Maging ang paghahatid sa kani-kanilang lalawigan ang aasikasuhin na rin ng pamahalaan.

Karamihan sa kanila ay natapos na ang kontrata, habang may ilang nagkaroon ng sakit habang nagtatrabaho sa nabanggit na lugar.

Tiniyak naman ng dMW na nakikipag-ugnayan na sila sa DFA para sa iba pang Pinoy workers na kailangang tulungan para makauwi.