-- Advertisements --
Nasa maayos nang kalagayan ang 11 sakay ng motorbanca na nasunog sa katubigan ng Barangay Pag-asa, Bagac, Bataan.
Ito ang MB Princess Joyce na regular na bumabyahe sa naturang lugar.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), siyam sa mga na-rescue nila ay mga pasahero, habang dalawa naman ang crew ng sasakyan.
Nabatid na patungo ang bangka sa Barangay Banawan Cove nang mangyari ang insidente.
Sinasabing kinapos sa fuel ang bangka kaya napilitang magkarga ito sa gitna ng dagat.
Doon na umano nangyari ang pagsiklab ng apoy hanggang tuluyan na itong napinsala.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyaayari.