-- Advertisements --

Nasa 11 katao ang nasawi matapos na lumubog ang kanilang sinakyang bangka sa Tunisia.

Nailigtas ng mga Tunisian coastguard ang 14 katao kung saan mayroon pang 12 iba pa ang nawawala.

Base sa imbestigasyon ay mayroong kabuuang 37 migrants ang nasabing bangka.

Sa pagtaya ng mga otoridad aabot na sa mahigit 1,000 ang nasawi na mga migrants ngayong taon lamang dahil sa pagtatangka nilang tumawid sa central Mediterranean.