-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa labing-isang magkakamag-anak ang sugatan kabilang ang isang foreigner sa pagbaliktad ng isang multicab sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato kung saan kritikal ang ilan sa mga ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay MDRRMO Bobet Fale, habang binabaybay ng multicab na kulay pula na minamaneho ng isang Sandy Fran ang kahabaan ng national highway, Barangay Panay, Sto. Nino, South Cotabato, sumabog ang hulihang gulong nito na nagresulta sa pagbaliktad ng sasakyan at tumilapon ang mga sakay na pasahero.

Ayon kay Fale pauwi na sa Isulan, Sultan Kudarat ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Nakilala ang mga sugatan na sina Kieth Moore, 60, isang foreigner; Ramona Fran, 73; Mary Ann Fran, 37; Margarita Fran, 47; Rolly Fran, 4; Kate Arnold Fran,6; Queenie Ringalay,25;Queen Ringalay,3; Zachia Ringalay,3; at Jessica Ringalay, 23 na pawang mga residente ng Barangay Bambad sa bayan ng Isulan.

Sa ngayon, ginagamot na sa Doctors Clinic and Hospital at South COtabato Provicial Hospital ang mga sugatang biktima.