-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Patuloy pang inaalam ng Tampakan PNP kung sino ang nagmamay-ari ng marijuana plantation matapos ang isinagawang raid ng mga otoridad sa naturang lugar.
Ito’y matapos nasa 11,000 na mga tanim ng marijuana ang natagpuan sa border ng Sitio Alyong, Brgy. Danlag sa nasabing bayan at ng Sitio Sayawag, Kiblawan, Davao del Sur.
Kaagad nirespondehan ng mga kasapi ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 (PDEA-12) ang nasabing area at ilan pa sa mga tanim ay kabubunot pa lamang.
Sinunog naman ang karamihan sa mga tanim habang dinala naman ang iba sa Tampakan PNP para sa dagdag na imbestigasyon.