-- Advertisements --
Screenshot 20210706 192554 Video Editor

Ikinatuwa ng mga Dagupeño sari-sari store owners ang natanggap nilang cash at food packs mula kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagbisita nito sa Dagupan City.

Ang 100 beneficiaries ay nakatanggap ng tig-P3,500 cash at food packs sa ilalim ng “Pilipinas Sari-Sari Store Community” na nauna nang inilunsad ng dating house speaker.

Kabilang rin sa layunin ng programa ang pagkakaroon ng mas murang food supply mula sa mga sari-sari stores papunta sa bawat mamimili.

Noong nakaraang linggo, nagbigay din ng tig-P10,000 na tulong pinansiyal si Cayetano sa 30 Dagupeño na beneficiaries naman ng kanyang proyektong “Sampung Libong Pag-asa.”

Una rito, mainit na tinanggap nina Dagupan City Mayor Brian Lim at Councilor Manang Celia Lim sina Cayetano at kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Cayetano sa kanilang muling pagbisita lungsod ngayong araw, Hulyo 6, 2021.

“Nagpapasalamat po tayo ng lubos sa napakagandang programang ito na ginawa ni Speaker Alan Cayetano para sa pagtulong sa ating mga sari-sari store owners kung saan nagbibigay po sila ng tulong para po sa inyong puhunan,” ani Mayor Lim.

Dagdag pa ni Mayor Lim, kabilang sa layunin ng programa ay mapalaki ang mga sari-sari stores na ito upang makatulong sa bawat pamilya ng store owners sa gitna ng kahirapang dulot ng pandemya.