-- Advertisements --

Itinuturing ng Malacañang na hindi katanggap-tanggap at nakakahiya ang 10 taon delay sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Sa kanyang statement, sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na umaasa silang mangibabaw ang batas at maglalabas ang korte ng hatol na pabor sa mga pamilya ng mga biktima para matapos na ang dinanas na kawalan ng hustisya sa loob ng maraming taon.

Ayon kay Sec. Andanar, ang Duterte administration at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ay patuloy na gagawin ang mandato para ang ganitong uri ng pagpatay ay hindi aabutin ng maraming taon bago makamit ang hustisya at para hindi na rin ito ulit mangyayari.

Kasabay ng paggunita at pagkilala sa mga biktima ng Maguindanao massacre, muling ipinaabot ng Malacañang ang pakikisimpatiya sa pamilya ng mga biktima ngayong ika-10 anibersaryo ng karumal-dumal na krimen.

“Today, we remember and honor the victims of Maguindanao Massacre, one of the deadliest attacks on journalists and the worst cases of election-related violence in the Philippines, which took 58 innocent lives in the name of political control by the Ampatuan clan,” ani Sec. Andanar. “Ten years of delayed justice is intolerable and ignominious. We are hopeful that the law will prevail and the court will rule in favor of the victims’ families putting an end to the injustice they have had to endure for years, as the decision on the case will be out soon.”