-- Advertisements --
Nasa 10 katao ang nasawi matapos ang naganap na pagsabog na tumama sa isang religious school sa Afghanistan.
Naganap ang pagsabog sa Aybak sa Samangan province kung saan marami rin ang nasugatan dahil sa insidente.
Inaasahan ng mga otoridad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan ang mga sugatang biktima.
Ayon kay Interior ministry spokesman Abdul Nafee Takkur na nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang security forces ng Taliban.
Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.